Pagbabad sa buhay ng mga komunidad sa Brgy. Buhangin, Tagbakin at Sapaan upang buuin ang mga kapitbahayan bilang Munting Sambayanang Kristiyano at hubugin ang mga tao sa diwa ng Buhay-Katiwala (Stewardship).
Tatlong seminarista na naghahanda para sa ordinasyon sa pagka-diyakono ang nagsasagawa ng pastoral exposure sa mga naturang barangay sa ating parokya. Sila ay sina seminarista Reymart Estrada (Atimonan), Jeff Magbuhos (Candelaria) at Rolly Pabillano (Pury, San Antonio)
|