1. Bagong Oras sa umaga : 5:30am (simula Disyembre 16) sa hapon : 5:30pm (simula Disyembre 15) 2. May livestreaming ang dalawang Misang ito araw-araw dito sa ating FB page, kaya inaanyayahan ang mga di makakasimba in-person na makiisa na lamang dito. DAHIL TAYO AY NASA PANDEMYA, mas hinihimok ang marami na sumubaybay na lang sa Misa sa FB livesteaming. 3. Nasa 120 - 130 katao lamang ang maaaring pumasok sa Simbahan (MGCQ protocol: naka-face mask/ face shield; sasailalim sa thermal scanning at sanitation) - may numero ang upuan ng bawat sisimba. Dapat punuin muna ang unahang bahagi ng mga unang darating upang hindi magsiksikan sa likuran ang mga mahuhuling dumating. 4. May inihandang tolda sa tagiliran ng simbahan para sa lalabis sa itinakdang bilang. 5. Kapag naubusan na ng monobloc chairs sa labas, kahit ang nakatayo ay kailangan pa ring sumunod sa hinihinging distancing (gaya ng nakikita sa Quiapo church, na may marka sa lugar na dapat tayuan ng tao.) 6. Pagsasabit ng Xmas balls. Maglalagay ng Xmas decors/balls sa may pinto ng simbahan. Ang malilikom mula sa voluntary donation ay pangangasiwaan ng Pcea para sa repair ng mga nasira ng bagyo (bubong at alulod ng simbahan at kumbento). I-oobserve ang distancing sa pagsasabit (tig-10 hanggang 15 katao lang bawat pangkat.) Isasagawa ito pagkatapos ng final blessing ng Misa habang pinapatugtog ang naangkop na Awiting Pamasko. 7. Para sa "Christmas Gift-giving to Indigents," ang pagdadala ng mga goods ay hindi gagawin sa oras ng offertory procession, kundi ilalagay na sa inihandang mesa/box bago magmisa. Ang mga maaaring ialay ay: bigas, corned beef (150 grams); meat loaf; coffee (25 grams); 1/2 kilo of sugar; powdered milk. Wala na munang mag-aalay ng timba at bihon. Ang mga ito ay ire-repack sa rectory para maipamahagi sa mga nangangailangan bago sumapit ang pasko. 8. Oras ng Misa sa Linggo (Dec. 20): 8am; 10am; 3pm. Dahil may Simbang Gabi, mawawala muna ang misa ng 6am, 430pm at 6pm. May online 9am Sunday Mass sa Caridad Ibaba/Stella Maris. ************************** Sa pagpasok ng mahabang Christmas Season, dapat isaisip na tayo ay nasa New Normal na sitwasyon dahil hanggang ngayon ay wala pa ring lunas na covid19 virus. Kaya, ito po ang Ilang dagdag na paalala at instruksyon: 1. Ang mga pari at naglilingkod sa altar ay mga worship frontliners na dapat mag-ingat upang hindi mahawahan at makahawa. Kailangang mag-self-regulate ng mga lugar na pinupuntahan at limitado ang paglabas labas ng bahay. 2. Sa halip na humawak sa kamay sa pagmano sa pari, sapat na ang salitang 'bless po' para maiwasan ang kontak at mapanatili ang physical distancing. 3. Ayon sa lecture ng epidemiologist at staff ng Mt Carmel Hospital, isa sa malimit na sanhi ng covid transmission ay mga "communal meal" o pagkain nang sabay-sabay o sama-sama, lalo na ng mga di magkakasama sa iisang household. Dahil dito, hinihimok ang lahat na huwag nang imbitahin ang mga pari (at mga naglilingkod sa altar) sa mga kainan, birthdayan at iba pang handaan upang maiwasan ang exposure ng mga ito sa posibleng covid positive. Dini-discourage din mismo ng IATF ang mga Xmas party at non-essential gathering. Dapat nating alalahanin na kapag ang mga naglilingkod sa altar, lalo na ang mga pari, ang nagka-COVID, matitigil ang lahat ng gawain sa simbahan, kasama na ang Simbang Gabi, dahil kinakailangan nila ang 14-day quarantine bago makalabas muli. +++++++++++++++++ **Para naman sa mga MSK/ barangay na na pagdarausan ng Simbang Gabi: 1. Makipag-coordinate sa barangay para sa pagpapatupad ng IATF protocol: tamang distancing at sanitation procedures. 2. Ang mga may edad na 18 hanggang 65 na taong gulang muna ang pamamayagang makasimba. Kailangang mag-facemask at face shield. 3. Dahil maliliit at di sapat ang ventilation ng maraming kapilya sa brgy., ang misa ay gaganapin sa covered court o sa mas malawak na lugar. 4. Mag-aassign ng tagabasa (lector/commentor) na mismong taga-barangay kung saan gaganapin ang Misa. Ito ay upang maiwasan ang pagdayo sa bawat barangay (ng lector/commenrator). Mas mababawasan ang movement ng tao kung mismong mga taga-barangay lang ang dadalo sa misa. *lalagyan ng malinis na pantakip (washable cloth) ang microphone na gagamitin ng tagabasa at pari para makaiwas sa posibleng transmisyon ng sakit. Papalitan o lalabhan ito pagkatapos ng bawat misa. 5. Sa oras ng pag-aalay, kailangang may nakahanda na 1 o 2 collection bag na may tangkay upang isa lang ang hahawak nito at maiwasan ang pagpapasa-pasa sa kamay ng sisimba. * sa mga nais mag-alay ng canned goods (na ipamimigay na pamasko sa mga kapuspalad), maghahanda ng hiwalay na mesa o kahon kung saan pwedeng ilagay ang kanilang alay bago magsimula ang misa. Ang mga maaaring ialay: bigas, corned beef (150 grams); meat loaf; coffee (25 grams); 1/2 kilo of sugar; powdered milk. Wala na munang mag-aalay ng timba at bihon. 6. Wala munang awit sa Misa upang hindi gaanong humaba ang pagdiriwang at exposure ng mga dadalo sa maramihang pagtitipon. Pero maaaring magpatugtog ng mga awiting pamasko bago at pagkatapos ng Misa. 7. Mas maagap isasagawa ang mga Misa: ika-4 ng hapon at ika-5 ng hapon sa bawat 'cluster' ng barangay na pagmimisahan. 8. Dahil tayo ay nasa panahon pa ng pamdemya, may bisa pa rin ang permiso ng Santo Papa sa mga katoliko noong nakaraang Semana Santa, na sa halip magkumpisal nang isahan sa pari, ay maaaring magsagawa ng perfect act of contrition (pagdarasal ng ganap na pagsisisi). At saka na lang dumulog sa isahang pagkukumpisal kapag lipas na ang panganib na hatid ng pandemya. - sa halip na humawak sa kamay sa pagmano sa pari, sapat na ang salitang 'bless po' para maiwasan ang kontak at mapanatili anh physical distancing. 9. Iisa lamang sasakyan (dala na ng pari o galing sa parokya) ang gagamitin sa pagpunta ng magmimisa sa barangay hanggang sa pagbalik sa bayan. Mga Oras ng Misa (sa mga Brgy): Disyembre 15 - 24 4pm - Buhangin --> 5pm - Talaba 4pm - Kilait --> 5pm - Balubad 4pm - Caridad Ilaya --> 530pm - Bayan 4pm - Sapaan --> 5pm - San Isidro Mahalagang Pabatid: Sa gitna ng krisis at panganib dulot ng pandemya at bilang pakikiisa sa paghihirap na dinaranas ng mga nasalanta ng mga nagdaang kalamidad, ang parokya ay hindi magdaraos ng tradisyonal na taunang Paskuhan. Hinihimok din ang mga Msk at Kapisanan na hindi muna magsagawa ng paskuhan. Sa halip, ibahagi na lamang natin sa mga nangangailangan - sa loob at labas ng parokya - ang anumang matitipid natin - sa handa, exchange gift, atbp. sa di-pagdaraos ng Christmas party.
|