Our Lady of the Angels Parish
 
 
Adbiyento at Simbang Gabi

Bookmark and Share

NOV
07
2020
MGA TAKDANG GAWAIN sa darating na Adbiyento at Simbang Gabi
1. Mga solemnidad bago mag-Pasko
a) Kristong Hari (Nov. 22) - wala na munang gaganapin na adorasyon by vicariate. Sa halip ay may online vigil sa bawat parokya sa bisperas, Sabado, 6pm pagkatapos ng anticipated Mass.
b) Inmaculada Concepcion (Dec. 8) - isa na itong public civil holiday sa Pilipinas (at hindi lang holy day of obligation ng Simbahan). May novena Mass (online 9am at in-person 5pm). Maaaring magsagawa ng online procession ng imahen ng Birhen sa mga lansangan ng bayan kagaya noong fiesta.
2. Mga bagong Oras ng Simbang Gabi
sa umaga : 5:30am (simula Disyembre 16)
sa hapon : 5:30pm (simula Disyembre 15)
3. Kalahati lang ng kapasidad ng Simbahan ang maaaring pumasok sa Simbahan (MGCQ protocol). May inihandang tolda sa tagiliran ng simbahan para sa lalabis sa itinakdang bilang.
4. Pagsisindi ng Kandila ng Advent wreath: (mula sa hanay ng officers: ppc, pcea, msk, kapisanan at iba pang may nais makibahagi) . Wala nang ipababasa sa magsisindi (para di na hahawak sa microphone; pari o commentator na lang ang babasa ng isang bahagi ng panalangin bago sindihan ang kandila).
5. Pagsasabit ng Xmas balls. Maglalagay ng Xmas decors/balls sa may pinto ng simbahan. Maglalagay ng donation box sa katabi nito, na maaaring paglagyan ng donasyon ng mga nais makabahagi ng programa. Walang tatasyon (fixed amount). Ang malilikom ay pangangasiwaan ng Pcea para sa repair ng mga nasira ng bagyo (bubong at alulod ng simbahan at kumbento). I-oobserve ang distancing sa pagsasabit (tig-10 hanggang 15 katao lang bawat pangkat tulad ng ginagawa sa pag-aalay ng bulaklak sa buwan ng Mayo).
6. Para sa Xmas Gift-giving to Indigents, ang pagdadala ng mga goods ay hindi gagawin sa oras ng offertory procession, kundi ilalagay na sa inihandang mesa/box bago magmisa. Ang mga maaaring ialay ay: corned beef (150 grams); meat loaf; coffee (25 grams); 1/2 kilo of sugar; powdered milk. Wala na munang mag-aalay ng timba at bihon. Ang mga ito ay titipunin at irerepack sa rectory para maipamahagi sa mga nangangailangan bago sumapit ang pasko.
7. Lantern sponsors: Maaaring ituloy pero walang assigned amount sa prospective donors.
8. Online Advent recollection. (Date to be announced via facebook and group chat). Paksa: Balik-Aral sa Ilang "pastoral priorities" ng diocesis. [Baka nalimutan na after 8 months ng lockdown].
9. Oras ng Misa sa Linggong nakapaloob sa Simbang Gabi season (mula Dec 15 hanggang 24): 8am; 10am; 3pm. Mawawala muna ang 6am, 430pm at 6pm. May online 9am Sunday Mass sa Caridad Ibaba/Stella Maris (dahil wala muna silang Simbang gabi sa taong ito.)
10. May online Misa de Gallo (530am) at Simbang Gabi (530pm)
11. Ongoing: sumubaybay sa online Sunday School sa ika-3 ng hapon tuwing Linggo sa ating FB page.
12. Ongoing: makiisa sa ating daily Online Rosary tuwing ika- 830 ng gabi.
13. Ongoing: may isinasagawang MSK Friday Anticipated Sunday Mass sa mga barangay sa ika-4 ng hapon tuwing Biyernes.
14. Olap 2021 Calendar : ipamamahagi sa mga kaanib at tagapagtaguyod ng Balik Handog at Friends of Mary. May extra print para sa mga nagnanais bumili ng extrang sipi.
15. Sa gitna ng krisis at panganib dulot ng pandemya at bilang pakikiisa sa paghihirap na dinaranas ng mga nasalanta ng mga nagdaang kalamidad, ang parokya ay hindi magdaraos ng tradisyonal na taunang Paskuhan. Hinihimok din ang mga Msk at Kapisanan na hindi muna magsagawa ng paskuhan. Sa halip, ibahagi na lamang natin sa mga nangangailangan - sa loob at labas ng parokya - ang anumang matitipid natin - sa handa, exchange gift, atbp. sa di-pagdaraos ng Christmas party.
**Para sa mga MSK/ barangay na na pagdarausan ng Simbang Gabi, narito po ang ilang paalaala:
1. Makipag-coordinate sa barangay para sa pagpapatupad ng IATF protocol: tamang distancing at sanitation procedures.
2. Ang mga may edad na 18 hanggang 65 na taong gulang muna ang pamamayagang makasimba. Kailangang mag-facemask at face shield.
3. Dahil maliliit at di sapat ang ventilation ng maraming kapilya sa brgy., ang misa ay gaganapin sa covered court o sa mas malawak na lugar.
4. Mag-aassign ng tagabasa (lector/commentor) na mismong taga-barangay kung saan gaganapin ang Misa. Ito ay upang maiwasan ang pagdayo sa bawat barangay (ng lector/commenrator). Mas mababawasan ang movement ng tao kung mismong mga taga-barangay lang ang dadalo sa misa.
*lalagyan ng malinis na pantakip (washable cloth) ang microphone na gagamitin ng tagabasa at pari para makaiwas sa posibleng transmisyon ng sakit. Papalitan o lalabhan ito pagkatapos ng bawat misa.
5. Sa oras ng pag-aalay, kailangang may nakahanda na 1 o 2 collection bag na may tangkay upang isa lang ang hahawak nito at maiwasan ang pagpapasa-pasa sa kamay ng sisimba.
* sa mga nais mag-alay ng canned goods (na ipamimigay na pamasko sa mga kapuspalad), maghahanda ng hiwalay na mesa o kahon kung saan pwedeng ilagay ang kanilang alay bago magsimula ang misa.
Ang mga maaaring ialay: corned beef (150 grams); meat loaf; coffee (25 grams); 1/2 kilo of sugar; powdered milk. Wala na munang mag-aalay ng timba at bihon.
6. Wala munang awit sa Misa upang hindi gaanong humaba ang pagdiriwang at exposure ng mga dadalo sa maramihang pagtitipon. Pero maaaring magpatugtog ng mga awiting pamasko bago at pagkatapos ng Misa.
7. Mas maagap isasagawa ang mga Misa: ika-4 ng hapon at ika-5 ng hapon sa bawat 'cluster' ng barangay na pagmimisahan.
8. Dahil tayo ay nasa panahon pa ng pamdemya, may bisa pa rin ang permiso ng Santo Papa sa mga katoliko noong nakaraang Semana Santa, na sa halip magkumpisal nang isahan sa pari, ay maaaring magsagawa ng perfect act of contrition (pagdarasal ng ganap na pagsisisi). At saka na lang dumulog sa isahang pagkukumpisal kapag lipas na ang panganib na hatid ng pandemya.
- sa halip na humawak sa kamay sa pagmano sa pari, sapat na ang salitang 'bless po' para maiwasan ang kontak at mapanatili anh physical distancing.
9. Iisa lamang sasakyan (dala na ng pari o galing sa parokya) ang gagamitin sa pagpunta ng magmimisa sa barangay hanggang sa pagbalik sa bayan.
Mga Oras ng Misa (sa mga Brgy):
Disyembre 15 - 24
4pm - Buhangin --> 5pm - Talaba
4pm - Kilait --> 5pm - Balubad
4pm - Caridad Ilaya --> 530pm - Bayan
4pm - Sapaan --> 5pm - San Isidro

 
Bookmark and Share
 

+ View More
 
 
 
 
Log In

Email
Password
 

Sign Up | Retrieve Password
 
Search

 
Daily Thoughts

Sa Isang Salita: 'Sagana'
Sa Isang Salita: 'Lihim'
Sa Isang Salita: 'Pagtalikod'
Sa Isang Salita: 'Adbiyento'
Sa Isang Salita: 'Abalá'
Sa Isang Salita: 'Kusing'
Sa Isang Salita: 'Touchstone'
Sa Isang Salita: 'Lapastangan'
Sa Isang Salita: 'Pagtangis'
Sa Isang Salita: 'Sayang'

+ View More
 
 
Parish Activities

#PAALAALA sa magsi-#SimbangGabi
Patris Corde
Adbiyento 2020
#BuwanNgBuhayKatiwala
Adbiyento at Simbang Gabi
70th Diocesan Anniversary
Prayer for our Healthcare Workers
Pope Francis' Prayer to Our Lady fo
PABATID
Letter of Pope Francis to the Faith

+ View More
 
 
Companion Saints

St. Mary Di Rosa
St. John of the Cross
St. Lucy
Our Lady of Guadalupe
Pope Saint Damasus I
Pope Saint Gregory III
St. Juan Diego
St. Romaric
St. Maria Giuseppe Rossello
St. Nicholas

+ View More
 
 
Photo Gallery

2nd Sunday Advent
Regalo ng Buhay
Medical Mission
2019 Palm Sunday Photo 2
2019 Palm Sunday Photo 1
5th Sunday Lent 2019
Metanoia
Our Lady of the Angels Parish
Meme March 10
Our Lady of Lourdes Feast Day Photo
 
Happy Birthday!

April Celebrants
 
08 jXJUlKQGZbOqCVEI 1_
08 DXFchPQNRTa 1_
08 vKZatnhULPf 1_
08 TqNLahxZz 1_
10 Maikie 4_
23 Patrick 2_