Our Lady of the Angels Parish
 
 
#PAALAALA sa magsi-#SimbangGabi

Bookmark and Share

DEC
15
2020
1. Bagong Oras
sa umaga : 5:30am (simula Disyembre 16)
sa hapon : 5:30pm (simula Disyembre 15)
2. May livestreaming ang dalawang Misang ito araw-araw dito sa ating FB page, kaya inaanyayahan ang mga di makakasimba in-person na makiisa na lamang dito.
DAHIL TAYO AY NASA PANDEMYA, mas hinihimok ang marami na sumubaybay na lang sa Misa sa FB livesteaming.
3. Nasa 120 - 130 katao lamang ang maaaring pumasok sa Simbahan (MGCQ protocol: naka-face mask/ face shield; sasailalim sa thermal scanning at sanitation)
- may numero ang upuan ng bawat sisimba. Dapat punuin muna ang unahang bahagi ng mga unang darating upang hindi magsiksikan sa likuran ang mga mahuhuling dumating.
4. May inihandang tolda sa tagiliran ng simbahan para sa lalabis sa itinakdang bilang.
5. Kapag naubusan na ng monobloc chairs sa labas, kahit ang nakatayo ay kailangan pa ring sumunod sa hinihinging distancing (gaya ng nakikita sa Quiapo church, na may marka sa lugar na dapat tayuan ng tao.)
6. Pagsasabit ng Xmas balls. Maglalagay ng Xmas decors/balls sa may pinto ng simbahan. Ang malilikom mula sa voluntary donation ay pangangasiwaan ng Pcea para sa repair ng mga nasira ng bagyo (bubong at alulod ng simbahan at kumbento). I-oobserve ang distancing sa pagsasabit (tig-10 hanggang 15 katao lang bawat pangkat.) Isasagawa ito pagkatapos ng final blessing ng Misa habang pinapatugtog ang naangkop na Awiting Pamasko.
7. Para sa "Christmas Gift-giving to Indigents," ang pagdadala ng mga goods ay hindi gagawin sa oras ng offertory procession, kundi ilalagay na sa inihandang mesa/box bago magmisa. Ang mga maaaring ialay ay: bigas, corned beef (150 grams); meat loaf; coffee (25 grams); 1/2 kilo of sugar; powdered milk. Wala na munang mag-aalay ng timba at bihon. Ang mga ito ay ire-repack sa rectory para maipamahagi sa mga nangangailangan bago sumapit ang pasko.
8. Oras ng Misa sa Linggo (Dec. 20): 8am; 10am; 3pm. Dahil may Simbang Gabi, mawawala muna ang misa ng 6am, 430pm at 6pm.
May online 9am Sunday Mass sa Caridad Ibaba/Stella Maris.
**************************
Sa pagpasok ng mahabang Christmas Season, dapat isaisip na tayo ay nasa New Normal na sitwasyon dahil hanggang ngayon ay wala pa ring lunas na covid19 virus. Kaya, ito po ang Ilang dagdag na paalala at instruksyon:
1. Ang mga pari at naglilingkod sa altar ay mga worship frontliners na dapat mag-ingat upang hindi mahawahan at makahawa. Kailangang mag-self-regulate ng mga lugar na pinupuntahan at limitado ang paglabas labas ng bahay.
2. Sa halip na humawak sa kamay sa pagmano sa pari, sapat na ang salitang 'bless po' para maiwasan ang kontak at mapanatili ang physical distancing.
3. Ayon sa lecture ng epidemiologist at staff ng Mt Carmel Hospital, isa sa malimit na sanhi ng covid transmission ay mga "communal meal" o pagkain nang sabay-sabay o sama-sama, lalo na ng mga di magkakasama sa iisang household. Dahil dito, hinihimok ang lahat na huwag nang imbitahin ang mga pari (at mga naglilingkod sa altar) sa mga kainan, birthdayan at iba pang handaan upang maiwasan ang exposure ng mga ito sa posibleng covid positive. Dini-discourage din mismo ng IATF ang mga Xmas party at non-essential gathering.
Dapat nating alalahanin na kapag ang mga naglilingkod sa altar, lalo na ang mga pari, ang nagka-COVID, matitigil ang lahat ng gawain sa simbahan, kasama na ang Simbang Gabi, dahil kinakailangan nila ang 14-day quarantine bago makalabas muli.
+++++++++++++++++
**Para naman sa mga MSK/ barangay na na pagdarausan ng Simbang Gabi:
1. Makipag-coordinate sa barangay para sa pagpapatupad ng IATF protocol: tamang distancing at sanitation procedures.
2. Ang mga may edad na 18 hanggang 65 na taong gulang muna ang pamamayagang makasimba. Kailangang mag-facemask at face shield.
3. Dahil maliliit at di sapat ang ventilation ng maraming kapilya sa brgy., ang misa ay gaganapin sa covered court o sa mas malawak na lugar.
4. Mag-aassign ng tagabasa (lector/commentor) na mismong taga-barangay kung saan gaganapin ang Misa. Ito ay upang maiwasan ang pagdayo sa bawat barangay (ng lector/commenrator). Mas mababawasan ang movement ng tao kung mismong mga taga-barangay lang ang dadalo sa misa.
*lalagyan ng malinis na pantakip (washable cloth) ang microphone na gagamitin ng tagabasa at pari para makaiwas sa posibleng transmisyon ng sakit. Papalitan o lalabhan ito pagkatapos ng bawat misa.
5. Sa oras ng pag-aalay, kailangang may nakahanda na 1 o 2 collection bag na may tangkay upang isa lang ang hahawak nito at maiwasan ang pagpapasa-pasa sa kamay ng sisimba.
* sa mga nais mag-alay ng canned goods (na ipamimigay na pamasko sa mga kapuspalad), maghahanda ng hiwalay na mesa o kahon kung saan pwedeng ilagay ang kanilang alay bago magsimula ang misa.
Ang mga maaaring ialay: bigas, corned beef (150 grams); meat loaf; coffee (25 grams); 1/2 kilo of sugar; powdered milk. Wala na munang mag-aalay ng timba at bihon.
6. Wala munang awit sa Misa upang hindi gaanong humaba ang pagdiriwang at exposure ng mga dadalo sa maramihang pagtitipon. Pero maaaring magpatugtog ng mga awiting pamasko bago at pagkatapos ng Misa.
7. Mas maagap isasagawa ang mga Misa: ika-4 ng hapon at ika-5 ng hapon sa bawat 'cluster' ng barangay na pagmimisahan.
8. Dahil tayo ay nasa panahon pa ng pamdemya, may bisa pa rin ang permiso ng Santo Papa sa mga katoliko noong nakaraang Semana Santa, na sa halip magkumpisal nang isahan sa pari, ay maaaring magsagawa ng perfect act of contrition (pagdarasal ng ganap na pagsisisi). At saka na lang dumulog sa isahang pagkukumpisal kapag lipas na ang panganib na hatid ng pandemya.
- sa halip na humawak sa kamay sa pagmano sa pari, sapat na ang salitang 'bless po' para maiwasan ang kontak at mapanatili anh physical distancing.
9. Iisa lamang sasakyan (dala na ng pari o galing sa parokya) ang gagamitin sa pagpunta ng magmimisa sa barangay hanggang sa pagbalik sa bayan.
Mga Oras ng Misa (sa mga Brgy):
Disyembre 15 - 24
4pm - Buhangin --> 5pm - Talaba
4pm - Kilait --> 5pm - Balubad
4pm - Caridad Ilaya --> 530pm - Bayan
4pm - Sapaan --> 5pm - San Isidro
Mahalagang Pabatid: Sa gitna ng krisis at panganib dulot ng pandemya at bilang pakikiisa sa paghihirap na dinaranas ng mga nasalanta ng mga nagdaang kalamidad, ang parokya ay hindi magdaraos ng tradisyonal na taunang Paskuhan. Hinihimok din ang mga Msk at Kapisanan na hindi muna magsagawa ng paskuhan. Sa halip, ibahagi na lamang natin sa mga nangangailangan - sa loob at labas ng parokya - ang anumang matitipid natin - sa handa, exchange gift, atbp. sa di-pagdaraos ng Christmas party.

 
Bookmark and Share
 
You can make and or read comments, or tag your Facebook friends in this article by following this link.
 
Patris Corde

Bookmark and Share

DEC
08
2020
With the Apostolic Letter Patris corde (With a Fathers Heart), Pope Francis recalls the 150th anniversary of the declaration of Saint Joseph as Patron of the Universal Church. To mark the occasion, the Holy Father has proclaimed a Year of Saint Joseph from today, 8 December 2020, to 8 December 2021.

ê

A PRAYER TO ST JOSEPH

Hail, Guardian of the Redeemer,
Spouse of the Blessed Virgin Mary.
To you God entrusted His only Son;
in you Mary placed her trust;
with you Christ became man.

Blessed Joseph, to us too,
show yourself a father
and guide us in the path of life.
Obtain for us grace, mercy and courage,
and defend us from every evil. Amen.

St. Joseph, spouse of the Blessed Virgin Mary and Protector of the Universal Church, pray for us

*From Pope Francis' Apostolic Letter, "Patris corde"

 
Bookmark and Share
 
You can make and or read comments, or tag your Facebook friends in this article by following this link.
 
Adbiyento 2020

Bookmark and Share

NOV
24
2020
Tema ng ating Pagdiriwang ng Adbiyento:
"Pag-asa sa Gitna ng Pandemya"
Panalangin sa Pagsisindi ng Kandila ng Adbiyento
Amang mapagmahal, isinugo mo sa amin ang iyong Anak bilang liwanag sa gitna ng karimlan.
(Sisindihan ang Kandila)
Sa pagsisindi namin ng Kandilang ito ng Korona ng Adbiyento, pagningasin mo ang alab ng aming pag-asa sa gitna ng pandemya ng Covid19; palakasin at ingatan ang mga frontliners sa pagsugpo ng salot na ito; pagalingin ang mga maysakit; tanggapin sa iyong Kaharian ang mga pumanaw; at lukuban ng iyong kapangyarihan at paglingap ang aming mga tahanan, upang maligtas kami sa lahat ng panganib, sakuna, kalamidad at pagkakasakit.
Hilumin mo na po ang aming daigdig na sinira ng aming pagkamakasarili at pag-aabuso sa likas na yamang kaloob mo sa lahat.
Amen.
==================*
Isinasagisag ng apat (4) na kandila ang apat na Linggo bago sumapit ang Kapaskuhan.
Ito ay sagisag din ng apat na libong taon ng paghihintay ng Bayan ng Diyos sa pagdating ng Manunubos.

 
Bookmark and Share
 
You can make and or read comments, or tag your Facebook friends in this article by following this link.
 
#BuwanNgBuhayKatiwala

Bookmark and Share

NOV
08
2020
November is #StewardshipMonth
=ÌCanon Law 222 §1. The Christian faithful are obliged to assist with the needs of the Church so that the Church has what is necessary for divine worship, for the works of the apostolate and of charity, and for the decent support of ministers.
#BuwanNgBuhayKatiwala

 
Bookmark and Share
 
You can make and or read comments, or tag your Facebook friends in this article by following this link.
 
Adbiyento at Simbang Gabi

Bookmark and Share

NOV
07
2020
MGA TAKDANG GAWAIN sa darating na Adbiyento at Simbang Gabi
1. Mga solemnidad bago mag-Pasko
a) Kristong Hari (Nov. 22) - wala na munang gaganapin na adorasyon by vicariate. Sa halip ay may online vigil sa bawat parokya sa bisperas, Sabado, 6pm pagkatapos ng anticipated Mass.
b) Inmaculada Concepcion (Dec. 8) - isa na itong public civil holiday sa Pilipinas (at hindi lang holy day of obligation ng Simbahan). May novena Mass (online 9am at in-person 5pm). Maaaring magsagawa ng online procession ng imahen ng Birhen sa mga lansangan ng bayan kagaya noong fiesta.
2. Mga bagong Oras ng Simbang Gabi
sa umaga : 5:30am (simula Disyembre 16)
sa hapon : 5:30pm (simula Disyembre 15)
3. Kalahati lang ng kapasidad ng Simbahan ang maaaring pumasok sa Simbahan (MGCQ protocol). May inihandang tolda sa tagiliran ng simbahan para sa lalabis sa itinakdang bilang.
4. Pagsisindi ng Kandila ng Advent wreath: (mula sa hanay ng officers: ppc, pcea, msk, kapisanan at iba pang may nais makibahagi) . Wala nang ipababasa sa magsisindi (para di na hahawak sa microphone; pari o commentator na lang ang babasa ng isang bahagi ng panalangin bago sindihan ang kandila).
5. Pagsasabit ng Xmas balls. Maglalagay ng Xmas decors/balls sa may pinto ng simbahan. Maglalagay ng donation box sa katabi nito, na maaaring paglagyan ng donasyon ng mga nais makabahagi ng programa. Walang tatasyon (fixed amount). Ang malilikom ay pangangasiwaan ng Pcea para sa repair ng mga nasira ng bagyo (bubong at alulod ng simbahan at kumbento). I-oobserve ang distancing sa pagsasabit (tig-10 hanggang 15 katao lang bawat pangkat tulad ng ginagawa sa pag-aalay ng bulaklak sa buwan ng Mayo).
6. Para sa Xmas Gift-giving to Indigents, ang pagdadala ng mga goods ay hindi gagawin sa oras ng offertory procession, kundi ilalagay na sa inihandang mesa/box bago magmisa. Ang mga maaaring ialay ay: corned beef (150 grams); meat loaf; coffee (25 grams); 1/2 kilo of sugar; powdered milk. Wala na munang mag-aalay ng timba at bihon. Ang mga ito ay titipunin at irerepack sa rectory para maipamahagi sa mga nangangailangan bago sumapit ang pasko.
7. Lantern sponsors: Maaaring ituloy pero walang assigned amount sa prospective donors.
8. Online Advent recollection. (Date to be announced via facebook and group chat). Paksa: Balik-Aral sa Ilang "pastoral priorities" ng diocesis. [Baka nalimutan na after 8 months ng lockdown].
9. Oras ng Misa sa Linggong nakapaloob sa Simbang Gabi season (mula Dec 15 hanggang 24): 8am; 10am; 3pm. Mawawala muna ang 6am, 430pm at 6pm. May online 9am Sunday Mass sa Caridad Ibaba/Stella Maris (dahil wala muna silang Simbang gabi sa taong ito.)
10. May online Misa de Gallo (530am) at Simbang Gabi (530pm)
11. Ongoing: sumubaybay sa online Sunday School sa ika-3 ng hapon tuwing Linggo sa ating FB page.
12. Ongoing: makiisa sa ating daily Online Rosary tuwing ika- 830 ng gabi.
13. Ongoing: may isinasagawang MSK Friday Anticipated Sunday Mass sa mga barangay sa ika-4 ng hapon tuwing Biyernes.
14. Olap 2021 Calendar : ipamamahagi sa mga kaanib at tagapagtaguyod ng Balik Handog at Friends of Mary. May extra print para sa mga nagnanais bumili ng extrang sipi.
15. Sa gitna ng krisis at panganib dulot ng pandemya at bilang pakikiisa sa paghihirap na dinaranas ng mga nasalanta ng mga nagdaang kalamidad, ang parokya ay hindi magdaraos ng tradisyonal na taunang Paskuhan. Hinihimok din ang mga Msk at Kapisanan na hindi muna magsagawa ng paskuhan. Sa halip, ibahagi na lamang natin sa mga nangangailangan - sa loob at labas ng parokya - ang anumang matitipid natin - sa handa, exchange gift, atbp. sa di-pagdaraos ng Christmas party.
**Para sa mga MSK/ barangay na na pagdarausan ng Simbang Gabi, narito po ang ilang paalaala:
1. Makipag-coordinate sa barangay para sa pagpapatupad ng IATF protocol: tamang distancing at sanitation procedures.
2. Ang mga may edad na 18 hanggang 65 na taong gulang muna ang pamamayagang makasimba. Kailangang mag-facemask at face shield.
3. Dahil maliliit at di sapat ang ventilation ng maraming kapilya sa brgy., ang misa ay gaganapin sa covered court o sa mas malawak na lugar.
4. Mag-aassign ng tagabasa (lector/commentor) na mismong taga-barangay kung saan gaganapin ang Misa. Ito ay upang maiwasan ang pagdayo sa bawat barangay (ng lector/commenrator). Mas mababawasan ang movement ng tao kung mismong mga taga-barangay lang ang dadalo sa misa.
*lalagyan ng malinis na pantakip (washable cloth) ang microphone na gagamitin ng tagabasa at pari para makaiwas sa posibleng transmisyon ng sakit. Papalitan o lalabhan ito pagkatapos ng bawat misa.
5. Sa oras ng pag-aalay, kailangang may nakahanda na 1 o 2 collection bag na may tangkay upang isa lang ang hahawak nito at maiwasan ang pagpapasa-pasa sa kamay ng sisimba.
* sa mga nais mag-alay ng canned goods (na ipamimigay na pamasko sa mga kapuspalad), maghahanda ng hiwalay na mesa o kahon kung saan pwedeng ilagay ang kanilang alay bago magsimula ang misa.
Ang mga maaaring ialay: corned beef (150 grams); meat loaf; coffee (25 grams); 1/2 kilo of sugar; powdered milk. Wala na munang mag-aalay ng timba at bihon.
6. Wala munang awit sa Misa upang hindi gaanong humaba ang pagdiriwang at exposure ng mga dadalo sa maramihang pagtitipon. Pero maaaring magpatugtog ng mga awiting pamasko bago at pagkatapos ng Misa.
7. Mas maagap isasagawa ang mga Misa: ika-4 ng hapon at ika-5 ng hapon sa bawat 'cluster' ng barangay na pagmimisahan.
8. Dahil tayo ay nasa panahon pa ng pamdemya, may bisa pa rin ang permiso ng Santo Papa sa mga katoliko noong nakaraang Semana Santa, na sa halip magkumpisal nang isahan sa pari, ay maaaring magsagawa ng perfect act of contrition (pagdarasal ng ganap na pagsisisi). At saka na lang dumulog sa isahang pagkukumpisal kapag lipas na ang panganib na hatid ng pandemya.
- sa halip na humawak sa kamay sa pagmano sa pari, sapat na ang salitang 'bless po' para maiwasan ang kontak at mapanatili anh physical distancing.
9. Iisa lamang sasakyan (dala na ng pari o galing sa parokya) ang gagamitin sa pagpunta ng magmimisa sa barangay hanggang sa pagbalik sa bayan.
Mga Oras ng Misa (sa mga Brgy):
Disyembre 15 - 24
4pm - Buhangin --> 5pm - Talaba
4pm - Kilait --> 5pm - Balubad
4pm - Caridad Ilaya --> 530pm - Bayan
4pm - Sapaan --> 5pm - San Isidro

 
Bookmark and Share
 
You can make and or read comments, or tag your Facebook friends in this article by following this link.
 
 
Read More
FIRST PAGE   |   PREVIOUS   |   NEXT   |   LAST
You are viewing articles 1 to 5 of total 128.
 
 
 
 
Log In

Email
Password
 

Sign Up | Retrieve Password
 
Search

 
Daily Thoughts

Sa Isang Salita: 'Sagana'
Sa Isang Salita: 'Lihim'
Sa Isang Salita: 'Pagtalikod'
Sa Isang Salita: 'Adbiyento'
Sa Isang Salita: 'Abalá'
Sa Isang Salita: 'Kusing'
Sa Isang Salita: 'Touchstone'
Sa Isang Salita: 'Lapastangan'
Sa Isang Salita: 'Pagtangis'
Sa Isang Salita: 'Sayang'

+ View More
 
 
Parish Activities

#PAALAALA sa magsi-#SimbangGabi
Patris Corde
Adbiyento 2020
#BuwanNgBuhayKatiwala
Adbiyento at Simbang Gabi
70th Diocesan Anniversary
Prayer for our Healthcare Workers
Pope Francis' Prayer to Our Lady fo
PABATID
Letter of Pope Francis to the Faith

+ View More
 
 
Companion Saints

St. Mary Di Rosa
St. John of the Cross
St. Lucy
Our Lady of Guadalupe
Pope Saint Damasus I
Pope Saint Gregory III
St. Juan Diego
St. Romaric
St. Maria Giuseppe Rossello
St. Nicholas

+ View More
 
 
Photo Gallery

2nd Sunday Advent
Regalo ng Buhay
Medical Mission
2019 Palm Sunday Photo 2
2019 Palm Sunday Photo 1
5th Sunday Lent 2019
Metanoia
Our Lady of the Angels Parish
Meme March 10
Our Lady of Lourdes Feast Day Photo
 
Happy Birthday!

November Celebrants
 
01 Julieta 6_
01 Ralph 6_
02 Ryan 2_
03 SMRTLlcHUzEp 1_
03 iQptgOTWvuqbsajN 1_
03 IuMfFivmVEockSn 1_
03 agYQTjrxFpECHn 1_
08 IHqpiovaZTP 1_
08 GoUsgzILOiNucVF 1_
08 bpOwVRJhLcW 1_